( Sa Mangga )

Ang pakikipanayam ni Raphael Jose G. Catipon sa lolo niya na si G. Franco M. Guevarra, edad 78 taong gulang, para malaman ang kuwento ng pinagmulan ng mangga sa Plaza ng San Pablo City. Ayon kay G. Franco M. Guevarra, humingi ng tulong sa Provincial Agriculturist noong 1947, ang City Government upang matamnan ng halamang namumunga ang kahabaan ng island sa Rizal Avenue hanggang San Pablo Central Elementary School. Sa Provincial Nursery of Laguna na nasa Lamut, Calauan , Laguna, doon lang dati mayroon mga tanim ng mga seedling plants at noon panahon na iyon ang lolo sa tuhod ni Raphael Josef Catipon, na si G. Paulino Guevarra ay Officer in Charge ng natural na ahensya. Noong 1947, itinanim ang punong mangga na “ Kinalabaw ” sa island na nasa Rizal Avenue. Halos limang talampakan ang taas ng mga puno ng mangga noon na
kinuha sa Calauan. Ang mga puno ay nakalagay pa sa mga saha ng saging kasi di pa uso noon yung mga plastic na itim na taniman ng seedlings. Si G.Paulino Guevarra at mga kasamahan niya ang nagtanim ng mga punong Manggang
Kinalabaw sa plaza. Tinamnan ng mga “ Manggang Kinalabaw ” na may bilang sam-pu ang kahabaan ng island ng Rizal Avenue. At yun isang “Manggang Pahuhutan ” na ngayon na
tinatawag na SM. Ang nagdidilig ng mga punong ay ang mga bumbero araw-araw. Tapos ang nangalaga na nito ay ang City of Engineering Office noong panahon iyun.
Noong nasakop na ng mangga ang mga bangketa ay ipinaputol ni Alkalde Tomas D.
Dizon na noon ay nanungnungkulan sa Lungsod ng San Pablo. Itinira lamang sa lahat na nakatanim ay ang “ Manggang Pahuhutan ”.
Noong taon 1963, ang manggang nasabi ay natumba ng bagyo. Ito ay hinukay sa isang tabi. Binatak ng raker truck ng BLTB ang puno at doon muli itinanim sa dating puwesto .
Bukod sa ibinibigay na prutas at lilim, ito ay nagsisi-bing tagpuan ng mga magkakaibigan, mga
magsising-irog, at naging landmark sa Lungsod ng San Pablo. Madalas tinatanong noon ,” Saan tayo magta-tagpo ?” Ang sagot ay sa“SM” na ang kahulugan ay “Sa Mangga”.
Kahit wala pang “SM” noon sa Pilipinas, sa San Pablo ay mayroon na dahil “Sa Manggang ” ito.
